Sunday, March 26, 2006

Fun fun fun

You know, I think I have super powers. Well, hindi naman super. Bionic lang talaga siguro yung eye sight ko. As in, I'm telling you. Nasa Sec A ako one time with Ean, tapos kitang kita from our place yung dulo ng sec walk. Diba parang C-shape yung sec. Basta so ayun. Nandun kami sa may sec a tapos parang nakita ko si Pobbes sa may kabilang dako. So lumapit kami tapos ayun, si Pobbes nga. Tapos kahapon lang, nasa 7-11 ako sa may Burgundy. As in kumakain ako sa loob with Edsgee. Napatingin ako sa labas kasi wala lang tapos parang nakita ko yung car ni Jom na dumaan sa Katipunan. Tinext ko siya kaagad kung siya ba yun so ayun...siya nga! Haha. Wala lang.
---
I was in Katipunan the whole day yesterday. Actually, hindi naman whole day. Half day lang kasi dumating ako around 1 pm. Tinext kasi ako ni Wapow na gg (dota) daw. So ayun. Dumiretso muna ako sa starbucks kasi nandun daw sina Edsgee at Wapow. Nandun din pala si Nyko so ayun. Uhm, hindi muna kami nag-gg kasi sinamahan muna namin si Nyko sa Gateway para bumili ng long sleeves niya para sa grad mass. After namin bumili, bumalik na kami sa Katipunan para mag-gg. Iniwan pala kami ni Wapow kasi may pinuntahan pa siya. Si Nyko naman, umuwi na. So naiwan ako with Edsgee. Pumunta muna kami sa 7-11 para kumain. We bought pandesal and tuna at doon namin kinain! We spent like P40 lang at busog na kami! After that, dumiretso na kami sa Hims (gg place). Pagdating namin, kakarating din lang din Wapow. Nag-member kami sa gg place (P100) tapos gg naa! We played muna vs AI kasi tatlo lang kami. Ayun, nanalo kami. Tapos, na-bore kami so we decided to play a new game. At doon namin nakilala si PRINCESS SKIBI's CASTLE TD! The best talaga yung game pero napakahirap! Castle defense siya basically pero may mga mini games na sobrang nakakaaliw! Favorite ko yung Catch the Fishies kung saan penguin ka at manghuhuli ka lang ng mga isda! The best talaga! Haha. Tapos dumating na rin sina Kalvin at Tim at John so gg na ulit. Nung umalis na sila, kami na lang nina John, Wapow at Edsgee ang natira. Kumain muna kami sa 7-11 ng dinner tapos we decided to play PRINCESS SKIBI"S CASTLE TD again sa may LC. So ayun, lotlot ulit kasi napakahirap talaga. And as usual, nandun ulit sa LC sina Jan Aguila atbp. Wala lang. Naglaro kami hanggang 11 pm tapos uwi. Naubos talaga anda ko pero the best talaga ang PRINCESS SKIBI"S CASTLE TD! At, may natutunan pa kaming bagong hirit care of Wapow and Edsgee. And here it goes. Nagmamakataas ka na naman. Tandaan mo: Nagmula ka sa lupa at sa lupa ka rin babalik! Hindi siya nakakatuwang pakinggan dito pero kung marinig mo sila ay matutuwa ka talaga. So ayun. Nag-jeepas kami ni Wapow pauwi at natapos ang araw.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home