Sunday, June 18, 2006

karma moves in mysterious ways


hay nako. totoo pala talaga ang karma. like today, twice akong kinarma dahil ata may masama akong nagawa. Pero ang alam ko, wala naman akong ginawang masama to anyone. Masama ba akong tao? hindi naman diba? Anyway, it started with my mom kanina on our way home from my grandparents' place. Nagmumudal kasi si ganda kasi raw, hindi man lang binuksan ng pudra ko yung gift niya for fathers day. Eh ako naman, naasar lang ako dahil salita na lang siya nang salita about not showing appreciation blah blah blah. Naalala ko tuloy yung isa kong friend na nagmumudal din nung isang araw because hindi ata nakapag-thank you yung isa niyang friend na binigyan niya ng regalo. Anway, going back to my story, so ayun..sinabi ko lang naman yung mga nararamdaman ko about their situation. I told her that hindi lahat ng gusto niya ang nangyayari. Not everything is about her and that for sure, may reasons naman ang pudra ko for not opening the gift. So ayun, natahimik ang mudra ko. After a few minutes, bigla na lang niya ako pinagalitan about going home late last night. May debut kasi akong pinuntahan at 2 am at nag-taxi lang ako pauwi from Katipunan. Eh ang alam ng dad ko, may mga kasabay ako pauwi..meron nga pero hanggang North Susana lang. Anyway, nasabihan tuloy ako ng iba't ibang remarks like wrong move, pati you're so stupid blah blah blah. ganda ko kasi...

Next naman ay yung sa kuya ko. I was planning to buy my notebooks for school na kanina sa isang mini-bookstore sa may amin pero i decided na sa Natio Katip na lang kasi mas kumpleto if ever may bibilhin pa ako aside from my notebooks. Bigla na lang niya hinirit, "Bakit sa Katips pa. Gusto mo lang sa sa Natio Katips kasi sossy/sosyal." After niya sinabi yun, ang daming thoughts na pumasok sa utak ko about kung ano ang pwede sagutin. Here they are:

1. Galing ah. Alam mo feelings ko? Ang dami mo sigurong alam kaya incoming 2nd year ka pa lang like me.
2. Sosyal na pala para sayo ang National Bookstore. Ganda mo eh.
3. Natio Katip? Sosyal? Mahirap ka, mahirap, mahirap!

So ayun, pinili ko yun una. Eh narinig ng dad ko kaya once again, napagalitan na naman ako. Na-hiritan pa ako ng bading ng kuya ko. Eh ano ngayon?! Haay...karma talaga. so mysterious and so cruel. Pero carry lang. At least, I'm still here to write about it. Thank you na lang kay Papa Chesus na hindi ako namatay dahil sa karma...1,2,3 baboo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home